What do we offer?

"Think Globally, Act Locally" Comics we like, Comics we live, Comics we breathe; Comics we create!
Contact us @
noelregachuelo@gmail.com
brightbirdie@gmail.com
emmagold_man@yahoo.com
+639056434562
noelregachuelo-SKYPE




Friday, June 11, 2010

KOMIKS = fighting with seven headed demons!


Nagsimula ako gumawa ng komiks noong 2009/bakasyon(summer), dahil sa isang kaibigan na nakilala ko sa art exhibit, na inspire ako ng lubos noong binigyan nya ako ng elmer, ung maliit na komiks na may nagsasalitang manok, sabi noong kaibigan ko gawa yun ni gerry alanguilan, so binasa ko sya,binasa ng binasa, tiningnan ng tiningnan ang drawing,,malupet, wala akung masasabe, "isang magandang komiks toh" ang sabi ko sa sarili ko. at doon nagsimulang magdrawing ulit ako, mahirap magsimula sa komiks, kung baga back to basic ako, ngunit walang makakapigil kung gusto mo talaga ito, kahit mamamatay kana sa gutom, o masiraan ng bait dahil sa sobrang pag-iisip ng mga bagay-bagay(imagination)o mga ideyang pumapasok sa malambot mong utak!, aaminin ko marunong akung magdrawing, ngunit hindi dahil marunong ang isang taong magdrawing pwede nang magkomiks, napagalaman ko sa aking paglalakbay patungo sa komiks ...dapat nagbabasa ..dapat MAHILIG MAGBASA,,at syempre magdrawing,,,dapat hindi mo kakalimutang magpractice ng magpractice...sige lang habang may mga natitirang papel o puno sa iyong paligid..mag enjoy ka!..magdrawing ka!!!

nagsisimula palang ako sa komiks, nagiinsayo,nagbabasa,may mga dinadaanang pagsubok,,nakakatuwa,,nakakalungkot....gagawa ba ako ng komiks..o hindi nalang,,,sino ang magbabasa,,,? meron ba o wala...minsan mawawalan ka ng gana...ngunit lumilipas lang naman ito...minsan parang kakainin muna ang papel sa pagkainlove saiyong ginagawa...
wlang ibang bagay na makapipigil sau kundi ang sarili mo..
alam kung madami pang mangyayari sa akin at sa iba dyan "kung sino kaman" :-) na nagsisimula magkomiks...
masaya ako sa komiks..isang napaka simpleng kasiyahan kung iisipin ng iba, ngunit malalim ang ibig sabihin para saakin.
SA APAT NA SULOK NG KWARTO KO, SA GULO AT TAHIMIK NG PALIGID KO, SA MGA PINAGDADAANAN KO SA BUHAY, SA PAG-IBIG SA PIGHATI,NABUBUO UNTI-UNTI ANG MUNDO NG KOMIKS..

NOTHING IS IMPOSSIBLE!---KITA-KITS SA SEPTEMBER BIKOL COMICON!
ANG IYONG LINGKOD ------noel cervantes---------(BANG!BANG! BANG!)

No comments:

Post a Comment