What do we offer?

"Think Globally, Act Locally" Comics we like, Comics we live, Comics we breathe; Comics we create!
Contact us @
noelregachuelo@gmail.com
brightbirdie@gmail.com
emmagold_man@yahoo.com
+639056434562
noelregachuelo-SKYPE




Wednesday, November 17, 2010



BAKIT AKO GUMAGAWA NG KOMIKS? AND SO?

SA KOMIKS KO NAKILALA ANG AKING HUBAD NA KATAUHAN. DITO AKO ANG BIDA AT AKO RIN ANG KAAWAY. AKO ANG MABUTI AT MASAMA. AKO ANG MATINO AT AKO RIN ANG BALIW. MAY MAPANLAMANG AT MAY DEHADO. SA KOMIKS KO NAIPAGDIRIWANG ANG KAARAWAN NG AKING MGA KAHIBANGAN SA BUHAY.

HINDI MAPAPANTAYAN NG NOONTIME SHOW, TELESERYE, PANTASERYE, SHOWBIZ CHIKA ANG MAKAPANGYARIHANG ALIW NA BINIBIGAY SA AKIN NG PAG GAWA NG KOMIKS. DITO KO BINUBUHOS ANG MAHIGIT ISANG DEKADA NG BUHAY KO.

MARAMING BAGAY ANG NAGING INSPIRASYON UPANG BUMANGON AKO SA ARAW ARAW PARA HUMAWAK NG PAPEL AT TINTA. MARAMING NATUWA,NABILIB, NAGALIT, NATAWA, NAGTANONG AT NANGUTYA.NAG SASAYANG RAW AKO NG PANAHON SA MGA WALANG KWENTANG BAGAY KATULAD NG KOMIKS.WALA NA RAW AKO SA KATINUAN.PERO ITO LANG LAGI ANG TANONG KO SA KANILA - ANU NGA BA ANG MAY KWENTA?


MAPALAD RAW AKO AT NAGING ARTIST AKO. SABI KO SA KANILA PAKINGSHET! PATI BA NAMAN ANG PAGKAMALIKHAIN KO E IKAKAHON NINYO?! HINDI AKO ARTIST! CREATIVIST AKO. PAKIRAMDAM KO NAKAKASAKAL AT HINDI AKMA ANG TAWAGING ARTIST LANG.AYOKONG IMEASURE ANG MGA KAYA KONG GAWIN.LALO NA PARA MASABI NA MAY PAGKAKAIBA AKO SA IBANG NILALANG. PARA ITO SA LAHAT.

LAKING PASASALAMAT KO DAHIL HINDI AKO NAGING HOLDAPER, ARSONISTA,RAPIST,BUGAW, HINDI AKO KINAIN NG BOREDOM,NAKAPAGPASAYA AKO NG IBANG TAO,AT HIGIT SA LAHAT HINDI AKO NAGING PASSIVE SA BUHAY.

AT BAKIT MO NGA PALA ITO BINABASA? GUMAWA KA RIN NG SARILI MONG KOMIKS PARA MAINTINDIHAN
MO ANG MGA PINAGSASASABI KO.KAYANG KAYA MO NAMAN E. PURO KA KASI TV,STARBAKS,SHOPPING AT PAG PAPACUTE SA MALL.ALAGANG ALAGA MO SA KASANGKAPAN ANG IMAHE MO ARAW ARAW NA TITINGIN KA SA SALAMIN.PANAHON NA RIN SIGURO PARA IGUHIT MO ANG SARILI MO.

No comments:

Post a Comment